DELFIN ALBANO – Personal na iniabot ni Department of Social Welfare and Development Field Office No. 02 Regional Director Lucia Allan ang Certificate of Appreciation na iginawad ni Kalihim Rex Gatchalian para sa munisipalidad ng Delfin Albano, Isabela sa pamumuno ni Mayor Arnold Edward P. Co noong ika-14 ng Agosto 2023.

Isa ang lokal na pamahalaan ng Delfin Albano sa tatlong LGU mula sa Rehiyon Dos na ginawaran ng nasabing sertipikasyon bilang pagkilala sa kanilang natatanging kontribusyon para sa implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4PS). Kabilang dito ang pag-sponsor ng Delfin Albano sa kauna-unahang nationwide graduation noong ika-11 ng Pebrero, 2020. Kinilala rin ang dedikasyon ng LGU sa pagsuporta sa 4Ps sa lokal na antas at gayun din ang pagsisikap na maisakatuparan ang mga probisyon ng RA 11310, partikular sa pagbibigay prayoridad at komprehensibong serbisyo sa mga pamilyang nagtapos sa program. Sa larawan, kasama si Mayor Co sina Bise Mayor Thomas Pua Jr., Sangguniang Bayan Members, MSWDO Rosalie L. Marquez, at mga kawani na naging saksi sa pagtanggap ng nasabing parangal.